testi.xyz

1096 gang – galing testo

attendere prego...

testo

luci j verse

magandang umaga parang bagong silang
mayapa kong tinatawid bitbit ang kaalaman
sarap ng bunga kase puso ang nag dilig nyan
malayang nag lalakbay walang pake mga bulong jan

nag iisang humihinga payapa at umaangat
positibong mga bunga sa pag ibig nag ugat
sa paligid inungkat taglay na kaalaman
inuna ang sarili inalam kamalayan

polo pi verse

galing galing galing, sana ay magising
ang mga tao na mas masahol pa sa praning
itong aming mga mensahe sanay madinig
pang bukas sa mga tulog ito ang pang dilig

la+la+la+la pang yari lumalala na
babala babala hindi ba kayo dala na
korus

ghetto gecko verse

ang galing ng panahon sa positibo tinuon
ng pansin at ang sarap sarap nya tumugon
sa sarap wag palulong wag na wag kang tatalon
bumaha man ang mga biyaya sa balon

mag pausok sa tabi mahalin ang katabe
at pakalmahin ang mga di mapakali
ayos lang na sumindi basta wag mong ikubli
ang mga matang nakaka kita sa gabi

humakbang umabante mag padayon
ikalat ang hiwaga hanggang sa kabilang nayon
lahat ng nakakita ay tiyak na sasang ayon
sa dilim bumangon wag ka mag palamon

[bridge]

young wi$e

kaka humaling kaaning galing pang kalinga

ansarap ng aleleng ‘lang mali sa nakikita
korus

young wi$e verse

andami nag daan at ang dami din lumisan
ayusin ang pasan minsan ng napagisipan
bago pa ipag paliban la naman na maiiwan
marahil nga’y katwiran pagtibayin kapatiran

ng buong sanlibutan dapat lang mag tulungan
wakasan kanilang kahibangan kamangmangan
kasakiman kababawan kalupitan sa mundo
puno puno ng gulo nais wakasan ito

guddhi$t verse

aning aning aning sumobra sa galing
masukal na paligid kapit lang sa patalim
palagi sa kalsada aliping may diploma
bata lutang ka nanaman nasa ibang planeta

nilisan kalawakan andon sa kakitidan
nakalambitin nasa bingit na ng kamatayan
ang yong kaluluwa “anak pano kana”
palagi na bukang bibig ng yong ama’t ina
korus

- 1096 gang testo

Testi di Random